Bakit nga ba madalas hindi ka crush ng crush mo? Kahit sino ay nag aasam na masuklian ang nararamdaman sa taong hinahangaan o crush natin. Gusto rin natin na magustuhan rin nila tayo. Wala naman masama kung babaguhin natin ang ating sarili para sa ibang tao. Marapat lamang para sa ikabubuti.
Narito ang ilang tips para makuha ang puso ni Crush.
PAANO KA MAGUGUSTHAN NG CRUSH MO?
Sabihin na natin na isa kang caterpilar at nais mong maging butterfly para mapansin ka ni crush mo. Nakahanda ka na ba?
PHYSICAL APPEARANCE.
Marami ang nagsasabi na DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER. Isa sa mga dahilan kung bakit ka magugustuhan ng crush mo ay dahil sa physical appearance. Lahat naman tayo ay maganda at gwapo. May kanya kanya tayong charm at appeal. Kailangan lang natin itong hanapin. Umpisahan ang pagbabago sa iyong outer appearance.
Subukan mong mag ayos ng style ng iyong buhok o magpagupit. Baka naman natatakpan ng buhok ang iyong mukha. Magandang tingnan kapag maayos ang buhok mo. Magpulbo o gumamit ng facial wash upang kuminis at maging flawless ang iyong mukha. Wag mo naman sobrahan at baka maging clown ka sa kapal ng iyong foundation. Gusto ng mga lalaki ang natural beauty. Kung lalaki ka naman alagaan mo ang iyong mukha at ugaliing maghilamos bago matulog.
Magdala ng panyo para pamunas ng iyong mukha kung pinapawisan ka. Importante ang panyo dahil kailangan mo ito kung babahin ka o uubo. Malaki ang maitutulong nito sa iyong pang araw araw na buhay. para hindi ka maging haggard.
Siguraduhin rin na plantsado at presentable ang iyong suot na damit. Magandang tingnan kapag malinis at maayos ang iyong uniform. Kapag marunong kang mag ayos tiyak na may makakapansin at makaka appreciate ng ginagawa mong pagbabago. Malay mo mapansin ka ni crush.
MAGPARAMDAM KAY CRUSH.
Pagkatapos mong baguhin ang iyong itsura, Pagkatapos mong mag effort para sa iyong looks. Oras na para magparamdam kay crush. Ipaalam mo sa kanya na may taong tulad mo, na nabubuhay ka sa mundong ito. Sumama ka sa kanyang mga kaibigan, kausapin sya o itxt o i-chat, hang out with them. Make yourself a part of his cicle. Maging mabuting kaibigan ka sa kanya. Isang kaibigan na comportable siyang kasama.
Hindi ko sinabing ipagpilitan mo ang sarili mo sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Pero do it smoothly, wag mong biglaang ipilit ang iyong sarili. Gumawa ka ng maliliit na bagay na walanag nakakapansin. Kausapin mo siya, itanong mo kung naiintindihan ang mga aralin o thesis.
Kung may problema si crush, mag offer ka ng tulong, sabihan mo na andyan ka para tulungan sya emotionally.
Ang di mo dapat gawen ay makipag agawan o makipaglandian sa crush mo. Kung taken na ang iyong crush, panghawakan mo ang iyong dignidad at pagkatao. Huwag mong ibaba ang halaga mo. Huwag mong lampungin si crush na para kang uod sa stick. Baka mailang sya sayo. Sapat na yung andyan ka para sa kanya.
Kung manhid naman si crush at di nya napapansin ang lahat ng iyong effort, aba maalarma ka na. Mahirap pakisamahan ang taong manhid dahil hindi sila makakita ng effort ng ibang tao.
Ang huli sa lahat ay magpakatotoo ka sa iyong sarili. Maaaring nagbago ang iyong itsura, ang iyong pananamit pero wag mong baguhin ang iyong personalidad. Hayaan mong magutuhan ka niya kung sino ka. Huwag kang magsinungaling sa sarili mo. At kung hindi ka pa rin niya pinansin, maraming isda sa dagat. Marami pang tao sa mundo. Gudluck at sana ay magutuhan ka niya.
Written By: Kuya Amboi