Friday, March 15, 2024

PUNO NG MANGGA




josep-Ian


Kumusta mga Kuya, Samahan nyo akong tunghayan ang bago at pana-panabik na kwento ng ating letter sender na itatago natin sa pangalang Joseph.


Dear Kuya Amboi. Itago mo na lamang ako sa pangalang Joseph. Ako ay isang silahis at ako po ay tubong Bataan. Pito kaming magkakapatid at ako ang pang apat. Lumaki ako sa isang simple at maayos na pamilya. Ang aking unang karanasan sa kapwa lalaki ay noong ako ay 15 years old pa lamang. Malayo ang lugar namin sa aming mga lolo at lola. Kaya noong summer vacation ay napagpasyahan namin na na magpipinsan na dalawin ang lolo at lola. Lalaking lalaki po ako kung kumilos at hindi mahahalata na may kakaiba sa aking pagkatao. Naramdaman kong kakaiba ako noong ako ay nasa grade 2 pa lamang. Pagdating namin sa bahay nila lola ay napakaraming taong nagkakasiyahan. Dahil Family Reunion iyon ay masayang nag iinuman ang aking mga tiyuhin at mga pinsan. Umagaw ng aking pansin ang isang lalaki na kanina pa pasulyap sulyap at malagkit ang tingin sa akin. Bandang alas nube na ng gabi, Dahil sa hindi naman ako umiinom at nakikihalubilo lamang ako sa mga nag iinuman at kasiyahan ay nagpaalam muna ako sa kanila na iwanan ang kanilang kasayahan. Naglakad lakad ako at umupo sa sementong upuan sa ilalim ng puno ng mangga. Tahimik kong pinagmamasdan ang napaka ganda at bilog na bilog na buwan. Habang ang malamyos na simoy ng hangin ay dumadampi sa aking mukha. Makaraan ang ilang sandali ay nagulat ako sa boses na aking narinig “tagasaan ka pre, parang ngayon lamang kita nakita sa bahay ng kaibigan ko” tanong ng boses ng lalaki na di ko man lang namalayan ang paglapit, “ah eh malayo ang lugar namin dito kaya madalang kaming maka bisita dito sa lugar nila lola” sagot ko naman sa kanya. At iniabot naman nya ang kanyang palad. “Ian nga pala, tropa ko yung isang pinsan mo na nasa inuman kanina” Mababa ang bose nya at lalaking lalaki. “ako naman si Joseph” ang tugon ko sa kanya. Umusod ako ng kaunti at pinaunlakan ko sya na maupo upuang bato. Nagkwentuhan kami ng mga bagay bagay. Tungkol sa mga karanasan buhay at pag-ibig. Sya nga pala yung lalaki na panay ang sulyap sa akin kanina sa inuman. Kahit sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag ay naaninag ko ang maamo nyang mukha, pantay at mapuputing ngipin. Nakakabighani ang kanyang ngiti. Lumipas ang mahigit isang oras at nagkapalagayan na kami ng loob. Naghahagalpakan kami ng tawanan habang nagbibruan tungkol sa mga bagay bagay. Sa sobrang sarap ng pag uusap namin ay hindi na namin namalayan na lumalalim na pala ang gabi. Inabot na kami ng alas tres ng madaling araw. Maya mya ay nagtanong si Ian kung meron na daw ba akong GF o jowa. Ang sabi ko ay wala pa dahil mas priority ko ang pag aaral at makapagtapos muna. Yun naman ang kadalasang sagot ng mga kagaya kong silahis kapag may nagtatanong tungkol sa lovelife o status. Pero sa totoo lang ay marami akong pangarap sa buhay kaya nais ko talaga na makapagtapos muna ng pag aaral bago ko pasukin ang larangan ng pagmamahal. “Bakit mo naman naitanong yan” ang balik na tanong ko sa kanya. “ah wala lang” at biglang namagitan ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Maya maya ay bigla na naman syang nagsalita “Gusto kita” nabigla naman ang sa tinuran nyang iyon. “huh ano?”

Gusto kita” ang ulit na sambit nya. “Teka sandali paanong gusto ay ngayon lamang tayo nagkita” ang maang-mangan kong tanong sa kanya. Pero sa loob loob ko ay gusto ko na rin sya. Hindi naman sa marupok ako ay nabighani talaga ako sa kanyang itsura. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Kinikilig na nanginginig na kinakabahan. Hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayare. Hinawakan nya ang aking palad at pinisil pisil. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Unti-unti na kaming naging mapusok ng mga oras na iyon. Hanggang naglapat na ang aming mga labi.Mainit at maalab na mga halik ang aming pinakawlan. Sa mga sandaling yun ay gumapang ang aking kamay sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Ipinaubaya na nya ang lahat ng aking nais gawen. At nangyare na nga ang hindi dapat mangyare ng mga oras na yun. Nlantakan ko ang kanyang pops at nilantakan rin nya ako. Naka 2 rounds din kami bago mag umaga. Mutik pa kaming mahuli ng tiyahin ko na mas maaga pang magising keysa sa tilaok ng manok.

Pagkatapos nga ng pangyayareng yun ay hindi na kami muling nagkita pa ni Ian. Batid ko naman sa sarili ko na parehas lang namin nagawa yun dahil sa tawag ng laman. Isa ito sa nakakalungkot na realidad ng ganitong klase ng relasyon o sexualidad. Walang masyadong nagtatagal.Gamitan lang ng katawan. Kapag natikman na ay para ka ng basura na iiwan. Hindi naman lahat pero almost. Napakadalang ng nagtatagal at tunay na nagmamahalan..

Hanggang dito na lamang po at lubos po akong nagpapasalamat sa pagbasa ng aking liham Kuya amboi.


Thank u and more power,

Joseph


Full Video:   https://youtu.be/gZzJuiEqCwg?si=hvYyLTjUdi13H60D


ANG DAKS NA DELIVERY RIDER DEAR KUYAAMBOI

Dear Kuyaamboi. Itago mo na lamang ako sa pangalang Javier. 35 years old, Moreno 5'7” at may itsura din naman.Isa po akong Restaurant m...