Wednesday, September 25, 2024

MANGGAGAMIT | DEAR KUYAAMBOI



Walang maloloko kung walang magpapaloko.

Dear kuyaamboi, 
Isa po akong ofw dito sa dubai. Ako nga pala si Anton. 28 years old at tubong bicol.
Nais kong ibahagi ang aking di makakalimutang karanasan dito sa dubai. Kayumanggi ang aking kulay
at katamtaman ang aking taas. Sabi nila basta bicolano ay gwapo. Ako po ay isang bisexual pero
walang nakakaalam na ganito ang aking kasarian. Takot kasi ako na lumantad at baka husgahan ng mga
taong nakapaligid at nakakakilala sa akin. Sa katunayan nga ay sa edad ko na ito ay wlaa pa akong
karanasan. Nagkaroon din naman ako ng relasyon sa mga babae pero hanggang hawak kamay lamang.
At kalaunan ay wala akong natikman hanggang sa kami ay maghiwalay. Sa kapawa ko lalaki naman ay
madalang ako magkagusto dahil nga sa pihikan at mapili ako. At mas naa-attract ako sa mga darker
guy. Isa akong nurse dito sa dubai. Isang araw ay isang lalaki ang umagaw ng aking pansin. Bagong
dating na kapwa ko nurse from africa. Mukha syang mabait at tahimik pero palaging nakangiti. Unang
kita pa lamang namin ay binati na nya agad ako ng “ hello how are you” with a beautiful smaile. Isang
matipid na Hello lamang ang sagot ko. Ako kasi yung tao na hindi basta basta nakikipagclose. Sabi nga
nila ay mabait na suplado daw ako. Isang linggo ang lumipas bago ko nalaman ang kanyang pangalan.
Itago na lang natin sya sa pangalang Kenneth. Bata pa sya sa edad na bente tres. Maitim sya pero
makinis ang pagkaitim ng kanyang balat. Maputi at pantay ang kanyang mga ngipin. Katamtaman ang
kanyang katawan at bakat ang kanyang biceps. Araw araw ay ganun ang kanyang routine. Tuwing
dumarating ako sa trabaho ay nakangiti sya na bumabati sa akin. May pag-shake hands at pagyakap pa.
Sa isip isip ko ay parang hindi na normal yung may pagyakap kaksi hindi naman nya ginagawa sa iba.
Bukod tangi lamang sa akin. Baka mahalata na ako ng mga katrabaho ko lalo na yung mga katrabaho
kong pilipino. Hanggang isang araw ay may naglakas loob na nagtanong sa akin na bakit iba daw ang
awra ni kenneth sa tuwing nakaduty ako. Kapag wala daw ako ay malungkot at nakasimangot. Sabi ko
sa sarili ko ay may nakakahalata na ng especial treatment ni africano sa akin. Sinagot ko na lamang
yung malisyoso na “Ganun talaga silang mga itim, mababait at malalambing”

Madalas na ang aming biruan sa trabaho ni kenneth. Naging normall na lang yung pagkiliti at pagyakap
nya sa beywang ko. Deep inside ay kinikilig ako sa mga ginagawa nya sa akin. Pakiramdam ko ay
nahuhulog na ako. Madalas na rin kaming kumain sa labas paglabas namin ng trabaho. Noong una ay
akala ko ay kkb kami. Kanya kanya ng bayad. Sya ang unang nag aya kaya nag expect ako na sya ang
taya. Pero nung oras na ng bayaran ay hindi sya nagbayad. So ako na laang ang nagbayad.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. Iisang building lamang ang tinutuluyan namin. Nang
maghihiwalay na kami papunta sa aming kanya kanyang flat ay yumakap sya at nag thank you. Nag
expect ako na akala ko ay hahalikan nya ako sa labi pero wala pala. Pakiramdam ko talaga ay
nahuhulog na ako sa kanya. Bakit nag eexpect na ako ng hindi naman dapat. Lalaki ako at lalaki sya. At
wala kaming relasyon maliban sa pagkakaibigan. Kinabukasan ay sweet pa rin sya sa trabaho.
Pagyakap nya ay bigla kong kinapa ang kanyang harapan. Malambot iyon ng mga oras na iyon.
Napaigtad sya sa ginawa ko “ Do you wanna touch my big black anaconda” Pabiro nyang sabi pero
parang di sya nasiyahan sa ginawa kong pagdakma. Nag-iba yung timpla ng ngiti nya at biglang umalis
papalayo. Na-curious kasi ako sa siasabi nila na basta itim ay malaki at mahaba. Naguilty ako sa
ginawa ko, bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Ganun na ba
ako ka-cheap para gawen ang ganun. Bakit ganun sya ka-sweet sa akin pero parang ayaw naman nya
ang mga ganung bagay. Madaming bakit ang nagtatanong sa sisp ko ng mga oras na iyon. Pagkatapos
ng nangyareng yun ay ramdam ko ang panalalamig nya sa akin. Bigla siyang nagbago. Kapag
dumarating sya sa tarbaho ay hindi na nya ako binabati di na nya ako niyayakap. Nag iiwasan na kami
na magkasalubong sa trabaho. Magkasalubong man kami ay wlaa ng imikan. Napansin ko na naging
sweet sya sa iba naming katrabaho na mga lalaki. Sa totoo lang ang isang dahilan kung bakit ako
nahulog sa kanya ay akala koy silahis din sya. Dahil kapag nakakakita sya ng babae ay puro kapintasanng mga babae ang siasabi nya. Pero kapag lalaki ay naa-appreciate nya ang hubog ng katawan at hitsura. 

Selos na selos ako kapag nakikita ko sya na nakikipagbiruan sa mga katrabaho kong lalaki.
Kahit wala naman akong karapatan na magselos dahil nga magkaibigan lamang kami. Lumipas ang
isang buwan na wala kaming pansinan ni kenneth. Pero hindi ako nakatiis Kuyaamboi. Ako na ang
unang gumawa ng hakbang at nag message sa kanya. Tinanong ko sya kung gusto niyang kumain sa
labas. Nag-oo naman sya. Hanggang sa araw araw na ulit kaming kumakain sa labas at ako ang
palaging taya. Magastos din kumain araw araw sa alabas kung tutuusin. Dumating pa sa pagkakataon
na meron syang gustong bilhin na bagong model ng cellhone. Pero kulang daw ang pera nya.
Breadwinner daw sya kaya halos lahat ng sahod nya ay naipapadala nya sa nanay nya. Ako naman na si
balw na baliw sa kanya ay sinagot ko na ang kulang na perang pambili ng bagong phone. Nasa 30k
pesos din ang naibigay kong pandagdag. Masaya ako kapag naibibigay ko ang gusto nya. Wala pa ring
ganap sa amin kahit madami dami na akong nagagastos sa kanya. Bigay ako ng bigay pero wala naman
kapalit. Isang araw ay tinanong nya ako. Ano daw ang gusto kong kainin, Treat nya magsabi lang ako.
Total naman daw ay ako ang palagiong gumagastos ay sya naman ang taya sa ngayon. Bigla kong
nasambit na “you, I like you, I wanna eat you” Sumagot sya ng “You can't eat me,I am
yourfriend,We are friend you can not eat me”

Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko sa mga katagang narinig ko.Hiyang hiya ako sa kanya at sa
sarili ko. “I know you like me, but we're friends” dagdag pa nya. Para akong sinampal ng pabalik
balik.Antagal ko bgao nakasagot sa mga salitang binitawan nya. “Yes I am just kidding,” yun lang
ang nasabi ko at bumalik na sya sa kanyang station. Hiyang hiya ako. Halos ayaw ko ng pumasuk sa
tarabaho. Sobra kong dinamdam iyon. Nagmukmok ako sa kwarto. Nawalan ako ng ganang kumain.
Namayat ang katawan ko. Minsan lang ako mainlove pero bakit sa kanya pa na pinaglalaruan ang
feelings ko. Ako na ang kusang umiwas sa kanya sa trabaho. Nagmemessage sya pero di na ako
nagrereply. Ttlong buwan yata akong nag emote ng dahil sa kanya. Natauhan na ako. Minsan gusto nya
akong kausapin at yakapin sa trabaho pero tipid na ang mga sagod ko sa kanya. Minsang napadaan ako
sa station nya ay may kausap sya sa videocall. Tinawag nya ako at ipapakilala daw nya ako sa gf nya.
For pormality ay ngumiti at nag Hi lang ako sa kausap nya na babae sa video. Black beauty at mukhang
kababayan nya sa africa. Umalis din agad ako. Ramdam nya ang pag iwas ko. Kahit papaano ay may
kaunting kirot pa rin ang nararamdaman ng malaman kong may gf na pala sya.
Sa ngayon kuyaamboi ay tanggap ko na magkaibigan lamang ang turing sa akin ni african. At
hanggang sa ngayon ay birhen pa rin ako at walang karanasan sa larangan ng kamunduhan.


Nagpapasalamat,
Anton.


Kung may nais kang ibahaing kwento ipadala lamang ito sa dearkuyaamboi@gmail.com
Maraming salamat at magkita kita tayong muli sa susunod na kwento.


No comments:

Post a Comment

ANG DAKS NA DELIVERY RIDER DEAR KUYAAMBOI

Dear Kuyaamboi. Itago mo na lamang ako sa pangalang Javier. 35 years old, Moreno 5'7” at may itsura din naman.Isa po akong Restaurant m...