Wednesday, September 25, 2024

PRIVATE CAR | KARANASAN SA ARABO




Dear Kuyaamboi:

Magandang araw sa mga masugid mong mga taga subaybay. Hayaan mog ilahad ang aking kwento. Alam ko na marami ang makakarelate sa kwentong aking ibabahagi lalong lalo na sa mga ofw na nasa gitnang silangan. Itago mo na lamang po ako sa pangalang Leo. Sariwa pa sa aking mga ala-ala ang mga nangyare noong ako ay nagttrabaho sa isang malayo at liblib na syudad ng bansang saudi arabia. Nangyare ito noong taong 2019 bago sumapit ang pandemya. Ang trabaho ko noon ay isang waiter sa isang restaurant. Ako ay kulay kayumanggi matinpuno at nasa edad nete syete ng mga panahong iyon. Bago pa man ako magtrabaho sa bansang saudi ay naririnig ko na ang mga balitang ginagahasa ang mga lalaking pinoy sa saudi. Kaya naman ay nagsaliksik ako noon kung ano nga ba talaga ang mga bawal at patakaran  sa bansang ito. Ang oras ng trabaho ko ay alas kwarto ng hapon hanggang alas dose ng hating gabi.

Isang araw ay inimbitahan ako sa isang handaan ng mga kaibigan kong pilipino na di naman kalayuan. Kaya naman napagpasyahan ko na pagkalabas ko ng trabaho ay dederetso na lamang ako sa lugar ng handaan. Pagkalabas ko nga ng trabaho ay nag abang na ako ng taxi pasadong alas doose ng hating gabi. Dahil nga sa liblib na probinsya ako nakabase ay madalang na ang dumadaan na taxi ng ganoong oras. May mga puaparadang pribadong sasakyan pero natatakot naman ako na sumakay sa mga ganun. Mahigit isang oras na akong nag aabang pero napakadalang ng dumadaan kung meron man ay may sakay na pasahero. Kaya naman nagpasya ako na kung meron pumaradang pribadong sasakyan ay sasakay na lamang ako. Makalipas ang mahigit bente minutos ay may pumarada na nga na private car. May kalumaan na ito at sinipat ko ang driver dahil medyo madilim sa loob. Lokal na arabo mapayat at hindi naman katangkaran. Kailangan kong kilatisin munang mabuti kung masama o mabuting tao ang driver. Nagkasundo naman kami sa presyo ng pamasahe kaya sumakay na ako sa loob ng kanyang lumang sasakyan. Habang binabagtas namin ang daan ay bigla syang nagtanong kung pilipino daw ba ako. Sinagot ko naman sya ng OO. May maya ay nagsabi sya na idadaan lamang daw nya yung pinabiling sigarilyo ng kapatid nya. Nag-alangan ako pero pumayag na rin ako dahil wala naman ako magagawa kung tumanggi ako dahil private car ang nasakyan ko. Pumarada sya sa may kalumaang apartment. Pagbaba niya ay doon ko lamang napansin na naka-suot lamang pala sya ng short na maiksi dahil nga may kadiliman sa loob. Umakyat sya sa lumang building at napakatagal nyang bumalik. Nagiisip ako na bumaba nalang kaya ako at maglakad. Makalaipas ang ilang minuto ay bumaba na sya at umarangkada. Napansin ko na parang iba ang daan na tinatahak nya. Inisip ko na baka ito yung short cut na alam nya papunta sa aking pupuntahan. O baka may dadaanan na naman sya na kung sino. Tumagal pa ang byahe at di pa rin kami nakakarating sa lugar dapat ay pupuntahan ko. Kinutuban na ako ng mga oras na iyon. Medyo masukal at madami ng puno ang daan na aming tinatahak. Sinabihan ko sya na kanina pa naghihintay ang kaibigan ko. Subalit parang hindi niya ako naririnig patuloy lamang sya sa pagmaneho. Sinubukan kong magdial at humingi ng tul;ong sa aking mga kaibigan pero pinigilan nya ako. Nag agawan kami ng aking telepono. Sobra na ang kaba at takot na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan ng mga sandaling iyon. Iyon ang unang beses na makaranas ako ng ganito. Maraming masamang pwedeng mangyare ang tumatakbo sa utak ko. Hanggang sa nag agawan kami ng manibela ng kanyang sasakyan. Sobrang intense na ng mga nangyayare. Nagpagiwang giwang ang sasakyan dahil sa pag aagawan namin ng manibela.Muntik na kaming bumangga dahil kakahuyan ang daan na aming tinatahak na kalsada. Binuksan ko ang bintana at nagsisigaw ako para marining ako kung sakali man na may makasabay o makasalubong na sasakyan. Agad nyang ini-child lock ang bintana kaya kahit anong sigaw ko ay wlang makakarinig sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa isang mabundok na lugar na merong mga bahayan pero parang walang tao sa lugar  dahil pawang mga bago at dinidevelop pa lamang ang subdivision. Nagpasya ako na maging sunod sunuran na lamang muna sa akhit anong gusto nya at kapag nakakuha ako ng tyempo ay doon ako tatakas. Ipinasuk nya ako sa bahay na bago at wala pa itong pintura  at mga gamit sa loob. Umakyat kami sa second floor at tanging kama lamang at ref ang gamit na nasa loob. Nagmadali syang naghubad ng kanyang saplot at pilit nya akong pinupog ng halik. Sa tingin ko ay lango sya sa droga. Naging sunod sunuran ako sa gusto nya. At nagawa nga niyang ipasuk ang kanyang malambot pa pero malusog na pops. Ilang oras na nya akong ginagamit pero malambot talaga at di sya nilalabasan..maya maya ay may biglang tumawag sa kanya.Lumabas sya at parang may kukunin sa kanyang sasakyan. Pakiramdam ko ay may paparating pa sya na kasaamahan niya. Kaya naman habang nasa labas sya at may kausap sa kanyang telepono ay agad akong nagbihis at kumaripas ng takbo. Hindi niya napansin ang paglabas ko dahil nakatalikod sya at may kinukuha sya sa likod ng kanyang sasakyan. Tumawid ako sa kabilang kalsada na maraning talahib at damo. Nang mapagtanto nya na nakatakas ako ay agad syang sumakay at pinaharurot ang kanyang sasakyan. Nagbabaka sakali sya na maabutan ako. Hindi pa ako nakakalayo sa kanyang bahay at nagtatago lamang ako sa makapal na talahib. Ang dasal ko ng mga oras na yun ay huwag sana akong natunton at baka patayin ako ng mga oras na iyon. Kitang kita ko sa aking pinagtataguan na makailang beses syang nagpabalik balik sa lugar. Siguro ay may isang oras akong di lumabas sa aking pinagtataguan sinigurado ko na nakaalis at nakalayo na sya. Tumakbo ako ng tumakbo sa kalsada na di ko alam ang derksyon kung ;tama ba ang aking tinatahak na daan. Napaka isoltaed ng lugar na iyon dahil wala man lang akong makasalubong na sasakyan o tao sa lugar. Siguro ay may kalahating oras na akong takbo ng takbo ng may makasalubong akong sasakyan. Pinara ko sya at nagmakaawa ako na kung pwedeng makisakay hangggang sa sakayan sa labasan o main road o kahit saan na merong taxi. Di ako mahiusay sa salitang arabic pero ang pagkakaintindi ko ay ihahatid nya ako sa sakayan. Ang malaking pagkakamali ko ay habang bumibyahe kami ay naikwento ko sa kanya kung ano ang nagyre sakin. Nang marinig nya ang kwento ko ay parang nagka interest sya ng kung anong bagay. Tinanong nya akong kung marunong daw ba akong magmasahe. Ang sabi ko naman ay hindi ako marunong. Maya maya pa ay umarte sya ng drama na naubusan daw sya ng gasolina kaya pumarada na sya sa tapat ng kanyang bahay. Hindi na daw nya ako maihahatid sa sakayan ng taxi. Inaaya nya ako na magkape or tea sa loob pero agad ko naman na tinaggihan. Iba naman ang kutob ko na mangyayare kung sakaling pagbigyan ko ang kanyang alok. Nagpasalamat na lamang ako sa kanya at muli ay naglakad ako ng naglakad hanggang sa makasakay ako ng taxi. Mataas na ang sikat ng araw ng makabalik ako sa aming bahay na tinitirhan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag at naiyak sa mga nangyare ng araw nna yun. Naramdaman ko na meron pala akong mga sugat sa tuhod dahil makailang beses akong nadapa. Maraming mga tinik ng cactus ang nakabaon sa aking talampakan. Pakiramdam ko isang malaking bangungot ang mga nangyare. Pero Hindi.

 Youtube Video: https://youtu.be/x3KtfUXYONQ?si=oAYm8CmLgQBjs3nI

Maraming maraming salamat sa pagbasa ng aking kwento Kuya Amboi. Hanggang dito na lamang at sana ay kapulutan ng aral.

 

Nagpapasalamat,

Leo

No comments:

Post a Comment

ANG DAKS NA DELIVERY RIDER DEAR KUYAAMBOI

Dear Kuyaamboi. Itago mo na lamang ako sa pangalang Javier. 35 years old, Moreno 5'7” at may itsura din naman.Isa po akong Restaurant m...